hindi ata ako natigil sa kaiiyak kahapon dahil sa sobrang pagka-miss ko sa akap mo.
simula nung pag-alis ko sa bahay, na halos wala akong makita dahil sa ilang balde ng luha na nilalabas ko habang nagmamaneho. partida, pinatay ko pa yung radyo nun. sobrang iyak na hindi ako makapaniwalang hindi ako natuyuan sa dami ng nailabas ko. partida, hindi pa ko umiinom ng tubig nun simula pagkagising ko.
nanginginig, hindi makahinga, naninigas na mga daliri. walang tigil na hikbi.
habang paulit-ulit na nagmamakaawa sa Diyos na ‘Tama na po…. tama na po Lord, hindi ko na po talaga kaya…’
hanggang sa.. hindi ko na kinaya pang magpigil, gustong-gusto ko na makipagkita at akapin ka.
oo, yung sobra kong kagustuhan na makita at maakap ka ay tinago ko sa mga salitang: Can i see kibu tonight?
parang tanga. daanin ba daw sa aso. namimiss ko din naman si kibu. totoo naman yun. pero kasi, yun lang yung paraan ng pagtatanong na feeling ko hindi ka mappressure, na hindi ka maiirita. alam ko namang parang tanga e. pero sinubukan ko na rin lang. baka sakali. kumapit na baka sakaling pumayag ka.
hindi ko alam kung totoo ngang asa baguio si kibu, o ayaw mo lang talaga makipagkita.
hindi ko alam kung dapat ba tinanong na lang kita ng derecho. pero tapos na. nagawa ko na.
kung tutuusin, natigil lang ako umiyak nung…. oops, mali ka, hindi nung pagdating ko sa office, hindi nun pagdating ko ulit sa bahay.. natigil lang nun nagoverheat yung kotseng dala ko, at nawalan ng langis. wala ata akong punto, ang sakin lang, sana naakap kita kahapon. kahit isang isang beses lang.